Napasakamay ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang ikalawang medalyang ginto niya nang magtagumpay sa St. Wendel City Jump sa Sankt Wendel, Germany.
Nakapagtala si Obiena ng 5.86 meters para manguna sa nasabing event kung saan naitala niya rin ang bagong record dito.
Ipinaabot naman ni Obiena ang kanyang pasasalamat sa pag imbita sa kanya sa nasabing event.
Balik aksyon si Obiena sa September 2 sa Memorial Van Damme, ang Brussels Leg ng Diamond League.