Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mahahalagang petsa sa paghahanda ng poll body sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre a-singko.
Ayon sa COMELEC, simula sa October 6 hanggang October 13, 2022 maliban sa October 9, ay isasagawa na ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) ng mga kakandidato.
October 6 hanggang December 12, 2022 naman magsisimula ang pagpapatupad ng COMELEC sa gun ban kasabay ng pagpasok na ng election period.
Sisimulan naman ang campaign period o pangangampanya ng mga kandidato sa November 25 hanggang December 3, 2022.
Nabatid na magbubukas ang polling precincts sa December 5 mula alas-siete ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.
Samantala nakatakda naman ang huling araw ng paghahain ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) ng mga kandidato bilang pagtalima sa Omnibus Election Code ang January 4, 2023.