Ibinalik na ng Bureau of Customs (BOC) sa pwesto ang anim na opisyal ng Port of Subic na sinibak kamakailan dahil sa kwestyunableng pagpasok sa bansa ng 140,000 na sako ng asukal mula sa Thailand.
Batay sa imbestigasyon ng BOC, maayos at lehitimo ang mga dokumento sa importasyon kabilang ang mga clearance mula sa sugar regulatory administration na una ng napaulat na recycled.
Matatandaan na sinibak sa posisyon ang anim noong Agosto a-24 at pansamantalang inilipat sa Office of the Commissioner habang iniimbestigahan ang mga ito.C