Nilinaw ng actress-singer na si KC Concepcion na walang namuong relasyon sa kanila ng International Hip-Hop at Black Eyed Peas member na si Apl.De.Ap.
Kasunod ito ng matagal nang usap-usapan na mayroong special relationship ang dalawa.
Ayon kay KC, hindi naging sila at malapit na kaibigan niya lang si Apl kung saan, nirerespeto niya ito dahil mabait at mahilig itong magpatawa sakaniya.
Iginiit pa ng aktres na wala siyang love life sa ngayon pero siniseryoso na niya ang usapin pagdating sa pag-ibig.
Nilinaw din ni KC, na busy ang hip-hop singer sa kaniyang trabaho at mahirap makipagdate sa states dahil karamihan sa mga ito ay casual lang ang gusto at hindi ang serious relationship.