Tiniyak ng Office of the Vice President (OVP) na magagamit ng tama at magiging transparent ang hinihinging confidential funds sa kongreso.
Ayon kay OVP Spokesperson Atty. Reynold Munsayac, gagamitin ang naturang pondo sa itinakdang parametro ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA).
Nabatid na aabot sa 500 milyong piso ang kabuuang pondo para sa OVP batay narin sa isinumiteng panukalang budget.
Samantala, sa 2023 National Expenditure Program, mas malaki naman ng 200% ang budget appropriation na tatanggapin ng OVP na nagkakahalaga ng 2.29 billion pesos kumpara sa kasalukuyang pondo na 702 million pesos. —sa panulat ni Hannah Oledan