Hinatulan ng dagdag na tatlong taong pagkakakulong ang dating lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
Ito ay matapos mapatunayan sa Korte na Guilty si Suu Kyi sa pandaraya sa halalan noong November 2020.
Nagwagi ang dating lider sa pamamagitan ng landslide ng kaniyang partido sa National Leaque for Democracy laban sa partido ng mga militar.
Mariin namang pinabulaanan ni Suu Kyi ang nasabing alegasyon.
Noong nakaraang buwan, hinatulan ng Korte si Suu Kyi na makulong ng anim na taon dahil sa four counts ng corruption.
Dagdag dito ang 5-taon kaya aabot na sa 17 taon na ikukulong ang dating opisyal.