Tutol ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) sa paggamit ng publiko ng Taglish o yung pinagsamang Tagalog at English.
Ayon kay Arthur Casanova, Chairman ng KWF, ibang lebel na ang paggamit ng TagLish dahil nasisira nito ang istruktura ng dalawang wika.
Nilinaw naman ni Casanova na hindi niya sinasabing huwag gumamit ng English, pero gusto lamang niyang bigyang-diin ang pagpapahalaga sa Wikang Pambansa.