Kasama ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. Ang Economic Team sa kaniyang biyahe sa Indonesia at Singapore.
Ito ang inihayag Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza sa kanyang Virtual Pre-Departure Briefing sa Malacañang.
Sinabi pa nito na may kasunduang lalagdaan sa Indonesia at Singapore kung saan kailangan ang kinatawan ng bawat ahensiya ng bansa.
Kabilang sa mga kasama ay sina DFA Secretary Enrique Manalo; Secretary of Finance Benjamin Diokno; Trade And Industry Secretary Alfredo Pascual; Secretary of Budget And Management Amenah Pangandaman; Secretary of National Economic and Development Authority Arsenio Balisacan; at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.
Isa aniya sa sentro ng biyahe ni Pangulong Marcos Jr., kung saan maraming inihandang business agreements na pipirmahan sa nabanggit na dalawang bansa