Tinatayang P3.6-M halaga ng marijuana ang binunot at sinunog sa dalawang barangay sa Tampakan, South Cotabato.
Ayon kay Tampakan Police Chief Capt. Juncint Aput, ang nasa 12,000 marijuana plants ay nadiskubre sa mahigit isang ektaryang lupain sa Brgy. Danlag at Brgy. Tablu.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Tampakan police at PDEA ukol sa malawak na plantasyon kaya’t ikinasa ang joint operation.
Wala namang nahuling cultivator ang mga awtoridad sa naturang operasyon.