Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 3 na nagsimula silang maging partner ng SM Foundation Incorporated para sa Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) on Sustainable Agriculture program noong 2012.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DSWD Region 3, Private and Government Sector Officer for Sustainable Livehood program, Mr. Ferdinand Jorge Canlas na malaki ang naitulong ng nasabing programa sa mga benepisyaryo nito sa Region 3.
Actually po, napakalaking tulong po ng SM Foundation sa mga beneficiaries, lalong-lalo na po ‘yung mga 4Ps beneficiaries natin, at kahit hindi 4Ps, basta poorest of the poor, may interest sa farming, qualified po sila. So, napakalaking bagay po ang partnership ng SM Foundation kay DSWD.
Sinabi naman ni Casuga Integrated Farm School President Ms. Cherrylin Casuga na isa silang TESDA accredited school kung saan layon nilang i-promote ang agricultural training, person development, at food security sa pamamagitan na rin ng partnership sa SM foundation.
So, ‘yung partnership namin nagsimula noon at first po namin is 100 farmer beneficiaries po kaagad. Ito po ay first time namin ginawa at sa awa po ng Diyos and of course sa guidance ng SM Foundation and also ng mga kasama namin sa programa ang mga government agencies, ito ay nabigyan ng value kasi dito nagkaroon kami ng platform na gawin namin ang aming mission na i-incorporate ‘yung technology, ‘yung entrepreneurship sa agriculture and then ‘yung aming NC II.
Samantala, sinabi naman ni Department of Trade and Industry-Tarlac, Business Development Division chief Ms. Zaida Garibay na nagkaroon sila ng mga aktibidad kaugnay sa KSK program ng SMFI kung saan naging pagkakataon ito para maging entrepreneur ang kanilang mga magsasaka sa naturang lugar.
Doon po sa Victoria, Tarlac po kami nagkaroon ng mga activities. At maganda po na naging partner po namin sila, mga farmers po ‘yung kanilang mga ina-assist. Para po sa amin, pagkakataon po namin ito na gawin namang entrepreneur ‘yung mga farmers po na ‘yon. alam niyo naman po na ang DTI, ang mandato niya is on enterprise development, dahil alam po natin na talagang kapag itong sektor ng mga tinatawag na micro, small, and medium enterprises ay mapapalakas po natin ay mas gaganda po ang ating…so, sinasamantala po namin po ‘yung mga ganitong partnership po, para ‘yun pong mga farmer na ina-assist ng SM Foundation ay magiging potential entrepreneurs na rin po ito.
Ang pahayag nina DSWD Region 3, Private and Government Sector Officer for Sustainable Livehood program, Mr. Ferdinand Jorge Canlas, Casuga integrated farm school president Ms. Cherrylin Casuga at Department of Trade and Industry-Tarlac, business development division chief Ms. Zaida Garibay, sa panayam ng DWIZ