Pumalo na sa halos 1,300 ang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na pagbaha dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Pakistan.
Ayon sa National Disaster Management Authority (NDMA), lubog parin sa baha ang malaking bahagi ng naturang bansa partikular na ang probinsya ng Balochistan, Khyber, Pakhtunkhwa, at Sindh na nasa bahagi ng Southern Pakistan.
Pumalo naman sa mahigit 1.4 million na kabahayan ang nasira habang 736,459 naman ng livestock ang nasayang dulot ng malawakang pagbaha.
Umabot naman sa kalahating bilyong indibidwal ang nagsilikas na ngayon ay pansamantalang nananatili sa ilang mga relief camps habang nasa 13k katao naman ang apektado ng kalamidad.
Sa pahayag ni Federal Minister of Poverty Alleviation and Social Safety Shazia Mari, nasa 723,919 na apektadong pamilya ang nabigyan ng cash relief habang patuloy pang nagsasagawa ng relief operations ang mga ahensya ng gobyerno katuwang ang mga Non-Government Organization (NGO’s).
Samantala, kinumpirma naman ng Disaster Management na ang dahilan ng pagbaha ay bunsod ng pabago-bagong klima sa Timog Asya at ang pagkatunaw ng glacier o yelong bumabalot sa mga ilog at bundok sa nabanggit na bansa.