Asahan na bukas ang tapyas-presyo sa kada litro ng langis matapos ang dalawang sunod na linggong taas-singil sa presyo ng kada litro ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, maglalaro sa P3 hanggang P3. 30 centavos ang bawas-singil sa kada litro ng gasolina.
Papalo naman sa P1. 70 centavos hanggang P2 ang magiging tapyas-presyo sa kada litro ng diesel habang nasa P1.60 centavos hanggang P1.90 centavos naman ang magiging bawas-singil sa kada litro ng kerosene.
Sa naging pahayag ni Department of Energy (DOE) oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, posible pang magbago ang presyo ng langis dahil sa nagpapatuloy na lockdown sa China at pabago-bagong presyo nito sa International market bunsod narin ng bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.