Tinapos na ng Kamara ang pagdinig para sa mahigit P9-B budget ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.
Pinasalamatan ni Executive secretary Victor Rodriguez ang kamara sa kanilang ibinigay na suporta hinggil sa P9.03 billion na pondo para sa OP.
Tinitiyak naman ni Rodriguez na makikipagtulungan ang gobyerno sa lehislatura o ang pagpupulong sa paggawa ng mga batas, pagtaguyod ng pampublikong interes at pagbuo ng maayos na pamamahala sa bansa.
Ayon kay Rodriguez sa kabuuang bilang ng budget, P6.87 billion dito ay ilalaan para sa maintenance at iba pang operating expenses; P1.501 billion, mapupunta sa personnel services habang mapupunta naman sa capital expenditures o capital outlay ang natitirang ang P590, 794,000.
Ang pag-apruba sa motion to terminate ay nagpapakita na mag-eendorso muli ng panukalang budget sa plenaryo para sa isa pang pagdinig.