Mananatiling nakataas ang alerto ng Philippine National Police (PNP) hangga’t hindi nakakaalis ang lahat ng delegadong dumalo sa APEC Summit.
Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, Spokesman ng PNP, marami sa mga dumalo sa APEC Summit ang nais pang makapamasyal sa bansa kaya’t kailangan pa rin nilang tiyakin ang kanilang seguridad.
Maliban dito, nakaalerto rin anya ang PNP para naman sa pagbabalik sa Metro Manila ng mga nagsiuwian ng probinsya nitong nakaraang bakasyon.
“Malaking bagay po ang tinatawag na well-government approach na kung saan yung mga ahensya ng gobyerno ang nagtutulung-tulongan, yung security task force consisted po siya ng 20 agencies ito po ay magandang ehemplo ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at syempre po ng ating mamamayan” Pahayag ni Mayor.
By Len Aguirre | Ratsada Balita