Bahagya muling tumaas sa 24,067 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon kumpara sa 23,571 noong Sabado.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health ng karagdagang 2,321 COVID-19 cases dahilan upang sumampa naman sa 3,891,318 ang total case load.
Gayunman, ito na ang ika-8 sunod na araw na mas mababa sa 30,000 ang aktibong kaso ng COVID-19.
Umakyat naman sa 3,805,340 ang recoveries habang nasa 62,011 na ang death toll matapos madagdagan ng 49.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinaka-maraming COVID infections o 9,564 sa nakalipas na dalawang linggo; sinundan ng CALABARZON, 4,611 at Central Luzon, na may 3,064.