Dumami umano ang kaso ng rape na kinasasangkutan ng mga menor de edad sa Davao City, ngayong taon.
Sa datos ng Davao City Police Office, mahigit kalahati sa isandaang naisampang kasong Rape simula Enero hanggang Agosto ay pawang menor de edad ang biktima.
68 sa mga kaso ay may mga biktimang edad 12 hanggang 17 habang nasa 91 babae at 9 na lalaki ang mga complainant.
40 suspek naman ang naaresto at 60 pa ang pinaghahanap.
Nagsasagawa na ng lecture ang pulisya para sa mga mag-aaral hanggang High School hinggil sa “safe and unsafe touch” upang bigyang babala ang mga bata sa mga posibleng krimen, gaya ng panggagahasa at anumang pang-aabuso.
Pumirma na rin ng kasunduan ang city Government at Department of Education upang mapabilang ang Gender-related crimes, tulad ng Sexual abuse sa ituturo sa mga estudyante para madagdagan ang kaalaman ng mga bata hinggil dito.