Patay sa isang engkwentro ang asawa at anak ng isang dating lider ng New People’s Army (NPA) na si Jorge Madlos o mas kilala bilang “Ka Oris” noong Sabado sa Impasug-ong, Bukidnon.
Ayon sa 403rd Infantry Brigade ng Philippine Army, nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng NPA at tropa ng 8th Infantry Battalion na nagresulta sa pagkamatay ng mag-inang Vincent Isagani Madlos at Angie Polandres Salinas.
Nakubra din ng mga sundalo mula sa mga rebelde ang dalawang AK47 rifle, hand grenade, mga subersibong dokumento, at mga personal na gamit.
Matatandaang napaslang din sa isang operasyon sa Impasug-ong, Bukidnon noong Oktubre nang nakaraang taon si Ka Oris na dati ring tagapagsalita ng NPA.—sa panulat ni Hannah Oledan