Naitala ang ilang kaso ng landslide sa Baguio City nito lamang Sabado at Linggo dahil sa malakas na pag-ulan bunsod ng masamang panahon.
Inilikas naman ang apat na pamilya sa barangay Pacdal matapos ang malakas na pag-ulan na nakapagdulot ng landslide bandang alas-8 ng gabi noong Sabado.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC), nasa anim na insidente ng soil erosion ang naitala sa lungsod.
Nagsagawa naman ang konseho ng geo-tagging assessment para mapigilan ang anumang karagdagang insidente at inihahanda na rin ang mga kagamitan sa isasagawang clearing operations sa lugar.—sa panulat ni Hannah Oledan