Tuluyan nang binitay ng mga Hamas ang limang Palestinians sa Gaza matapos pawang masangkot sa kasong murder at pakikipag-ugnayan sa Israel.
Iginiit naman ng Ministry of Interior ng Gaza na nabigyan ng pagkakataon ang mga binitay upang ipagtanggol ang kanilang sarili.
Mababatid na ito ang unang pagbitay na isinagawa sa Gaza sa loob ng mahigit na limang taon.