Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) na nagbibigay sila ng expired doses ng booster shot.
Ipinapliwanag ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang iba sa mga bakuna ay may “extended shelf life” at kapag pinalawig ng manufacturers ang shelf life ng mga bakuna ibig sabihin ay mabisa at ligtas pa rin ang mga ito.
Aminado naman si Vergeire na nagkaroon ng naturang isyu dahil ang mga bakuna na nagkaroon ng extended shelf life ay hindi napalitan ang labels.
Aniya, marami sa mga manufacturer ang huminto na sa produksyon kung kaya sertipiko kung saan nakalagay na na-extend ang shelf life lamang ang mayroon sila.