Inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa press briefing sa Fairmont Hotel sa Jakarta, Indonesia na hinihintay pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging rekomendasyon ng Department of Health (DOH) kaugnay sa polisiya nito ukol sa mandatory na pagsusuot ng face masks.
Ito ay kasunod ng isyu hinggil sa desisyon ng Cebu City na gawing non-obligatory ang pagsusuot ng face masks sa mga open spaces sa lungsod.
Mababatid na mandato ng DOH na payuhan ang pangulo ukol sa mga usaping may kinalaman sa pangkalusugan.
Samantala, una nang sinabi ng palasyo na kanilang igagalang ang desisyon ng Local Government Units (LGU) sa naturang usapin.