Posible pa ring makaapekto sa bahagi ng Palawan, kanluran at gitnang bahagi ng Luzon ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, maaapektuhan ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang bahagi ng Bataan at Zambales habang magiging maaliwalas at mainit naman sa umaga hanggang tanghali ang nalalabing bahagi ng Luzon.
Malaki pa rin ang tiyansa na magiging maulap ang kalangitan sa western part ng Visayas habang isolated rain showers naman ang mararanasan sa bahagi ng Mindanao bunsod parin Hanging Habagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:44 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:04 ng hapon.