Muling nag-alboroto ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island matapos makapagtala ng 11 volcanic earthquakes.
Sa kabila nito, inihayag ng PHIVOLCS na nananatili sa Alert level 1 ang kanlaon habang namataan ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 200 meters.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone sa paligid ng Kanlaon.
Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang uri ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagsabog.