Lumagda sa isang fishing agreement ang Taiwan at Pilipinas upang maiwasan ang mga karahasan sa kanilang mga nasasakupang karagatan.
Sa ganitong paraan umano ay hindi na mauulit ang naganap na pamamaslang sa isang Taiwanese fisherman sa karagatang sakop ng Pilipinas noong 2013.
Gayunman, hindi tinukoy ng foreign ministry ng Taiwan kung anu-anong karagatan ang saklaw ng naturang kasunduan.
Maliban sa Pilipinas, kabilang din ang Taiwan sa mga umaangkin ng teritoryo sa West Philippine Sea.
By Jelbert Perdez