Nanganganib magkaroon ng kakulangan ng supply ng de latang sardinas sa bansa.
Ito ang ibinabala ng grupo ng manufacturers kung ninipis ang supply ng tamban, na karaniwang ginagamit sa produksyon ng sardinas.
Isinisi ng Canned Sardines Association of the Philippines ang limitadong supply sa Fisheries Law na nagpapahintulot sa mga mangingisdang manghuli lamang ng tamban sa Municipal Waters na sagana sa tamban.
Gayunman, inihayag ni CSAP Vice President Ed Lim na maliit na bangka lamang ang pinapayagan kaya’t maliit din ang kapasidad ng mga ito na makapanghuli ng mas marmaing tamban o hanggang tatlong banyera lang na hindi sapat upang supplyan ang canning factory.
Bukod dito, itinakda rin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang tatlong buwang closed-fishing season ng tamban sa Zamboanga Peninsula simula Disyembre hanggang Marso.
Nakadagdag din anya sa problema ang mataas na presyo ng krudo at raw materials sa produksyon, tulad ng lata kaya’t namemeligrong numipis ang supply at tumaas pa ang presyo ng sardinas.
Sa kasalukuyan ay naglalaro na sa P39 hanggang P40 ang kada kilo ng tamban kumpara sa P26 noong bago magkaroon ng COVID-19 pandemic.