Pumalo na sa halos 40 baboy ang kinatay sa bayan ng Santa Magdalena, Sorsogon dahil sa paglaganap ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Elvie Frayna, Municipal Agriculture Officer ng lalawigan, 39 na ulo ng baboy ang kinatay at inilibing sa isang bakanteng lote sa lugar noong Biyernes.
Dagdag pa niya, isang buwan nilang idi-disinfect ang babuyan sa lugar.
Ipinagbabawal na rin muna ang pagpapapasok ng mga baboy o karne sa kanilang lugar.—sa panulat ni Hannah Oledan