Hindi na interesado ang Mandaue City sa Cebu na bitiwan na ang face mask rule.
Ayon ito kay Mandaue City Mayor Jonas Cortes matapos batikusin ng National Officials ang pasya ng Cebu City Government hinggil sa Non-obligatory wearing ng face mask.
August 31 nang magpalabas ng pahayag si Cortes na bukas siyang sundan ang naturang desisyon ng Cebu City Government.
Subalit sinabi ni Cortes na nagbago ang kanyang isip dahil ayaw niyang isugal ang kalusugan ng kanyang mga kababayan kayat dapat mahigpit na sundin ang ordinansa sa pagsusuot ng face mask.
Bukas naman aniya siya sakaling i-lift ng Konseho ang kautusan hinggil sa pagsusuot ng face mask ng mga residente ng Mandaue City.