Sumailalim sa Specialized training sa Japan ang siyam na engineers at technical personnel ng MRT-3.
Para ito sa Railway Operations at Maintenance na makatutulong upang mapahusay pa ang operasyon ng mga tren sa Pilipinas.
Ayon sa MRT-3 Management, tumagal ang training mula Agosto a – 29 hanggang Setyember a –3 bilang bahagi ng Rehabilitation Project ng nasabing railway.
Bahagi rin ito ng Technology Transfer ng naturang proyekto na magde-develop ng mga bagong kakayahan at kaalaman ng mga personnel ng Department of Transportation na nakatalaga sa mga linya ng tren.
Binubuo ang pagsasanay ng workshops sa disaster management, station management control, light at heavy maintenance at railway safety operations.