Dapat maghihinay-hinay at mag-isip ang mga nagbabalak na gawin na ring boluntaryo ang pagsusuot ng facemask sa Metro Manila.
Tugon ito ni DOH Technical Advisory Group Member, Dr. Rontgene Solante sa tanong kung panahon na bang gayahin ng Metro Manila ang polisiya ng Cebu City na “optional” na pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar maliban sa medical facilities.
Ayon kay Solante, maaari namang gayahin ng Metro Manila ang Cebu City, pero hindi ngayong mayroon pang COVID-19 pandemic.
Mayroon anyang metrics na dapat pagbatayan tulad ng bilang ng mga kaso, positivity rate at higit sa lahat ang vaccination, partikular ang booster shots, bago luwagan ang polisiya sa pagsusuot ng facemask.
Nangangamba si Solante na kung hindi na i re-require sa mga tao ang pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar ay hindi na mararamdaman ng mga ito ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19.