Bahagya pang bumaba ang COVID-19 positivity rate sa lalawigan ng Cebu.
Sa datos ng OCTA research group, bumaba sa 6.2% ang positivity rate sa Cebu hanggang nitong Setyembre a – 3 kumpara sa 8.9% noong Agosto a – 27.
Ayon kay OCTA research group fellow, Prof. Guido David, ang Cebu ang may pinaka-mababang positivity rate sa lahat ng probinsya sa labas ng Luzon.
Gayunman, nananatili anya sa moderate risk ang nasabing lalawigan.
Samantala, bumaba rin sa 7.2% ang positivity rate sa Iloilo mula sa 9.5% noong Agosto a – 25; 6.6% sa bataan at 8.9% sa Pangasinan.