Humingi na ng tulong sa Indonesia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang mapalakas ang sektor ng pangingisda sa Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, nagpasaklolo siya dahil matatag ang sektor ng pangisngisda sa Indonesia at hindi niya matanggap na mag-aangkat ng isda ang Pilipinas.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos Jr., na posibleng magpalitan ng delegasyon ang Pilipinas sa Indonesia upang matulungan ang sektor ng pangingisda sa bansa.
Umaasa naman ang Pangulo na tutugunan ng Indonesia ang kaniyang naging hiling.