Namahagi ang Quezon City Government ng fuel vouchers na nagkakahalaga ng P1-K sa 556 registered Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) members sa District 6 ng lungsod.
Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mismong namigay ng fuel vouchers kasama sina District 6 Action officer Mark Aldave at Quezon City Tricycle Regulation Division chief Ben Ibon III.
Maaaring magamit ng mga tsuper ang hanggang ₱400 halaga ng gasolina sa isang araw.
Noong Marso, nasa 3,982 TODA members ang nakatanggap ng fuel vouchers na nagkakahalaga ng tig-P500 mula sa lokal na pamahalaan.