Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang tropical storm ngayong araw.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lumakas ang tropical cyclone at opisyal nang naging tropical storm.
Mababatid na ang naturang bagyo ay may lakas ng hangin na 65 kilometers per hour, pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour at kumikilos pakanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Samantala, binigyang-diin ng pagasa na malabong direktang magdala ng malakas na ulan at malakas na hangin sa pilipinas ang tropical storm.