Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si tropical storm Inday, alas-siete kagabi.
Ayon sa Pagasa weather bureau, namataan ang bagyo sa layong 1,175 kilometers silangang-hilagang-silangan ng silangang Visayas.
Kumikilos ang bagyong Inday patungong timog-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour na may lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong aabot naman sa 90 kilometers per hour.
Posible ding magtungo ang bagyong inday pakanluran hilagang-kanluran sa susunod na 24 na oras at posibleng umabot ang lakas ng hangin nito sa batanes area habang patuloy na pinalalakas ang southwest monsoon o hanging habagat.
Samantala, hindi naman direktang makakaapekto ang lagay ng panahon sa bansa pero panatilihin ang pagiging alerto sa posibleng pagtama nito sa coastal waters at land areas.