Matapos ang halos 6 na taon, isang big yes na ang sagot ng aktres na si Vilma Santos sa tanong kung babalik na ba ito sa mundo ng pelikula.
Sa instagram post ni Vilma, makikita ang larawan kasama ang direktor na si Erik Matti at Film Producer na si Dondon Monteverde.
Nakasulat pa sa caption ng post na excited na si Vilma sa dalawang film project na nakalinya para sa kaniya.
Tuwang-tuwa rin si Matti sa desisyon ng star for all season lalo’t ito ang unang proyekto na makakasama niya sa pelikula ang aktres.
Noong 2016 huling lumabas sa takilya si Vilma sa family drama film na ‘everything about her’ at hindi na naulit dahil pumasok ito sa mundo ng politika.