Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
Ayon ito sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsabing gumanda ang employment rate sa buwan ng Hulyo.
Gayunman, ipinabatid ng psa na tumaas din ang bilang ng mga underemployed na ayon anito sa analysts ay usapin ng kalidad ng trabaho sa na nasa merkado.
Inihayag ng PSA na bumaba sa 5.2 percent ang unemployment rate nuong Hulyo na katumbas ng 2.6 – M jobless pinoys kumpara ito sa 6 % na unemployment rate na naitala sa buwan ng Hunyo.
Samantala, nasa 6.54-M pinoys ang underemployed nuong Hulyo ..Mas mataas sa halos 6 – M noong Hunyo.
Binigyang diin ng PSA na gumanda o bumuti ang employment rate sa 94. 8 % para sa July 2022 o katumbas ng halos 48-M.