Bumilis pa ang bagyong Inday pa-kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea at patungo na sa vicinity ng Ryukyu Islands at East China Sea.
Ayon sa PAGASA, Ang sentro ng bagyong Inday ay pinakahuling namataan sa layong 1, 30 kilometers Silangan ng Central Luzon at kumikilos sa bilis na 20 kilometers kada oras.
Taglay ng bagyong Inday ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 75 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 90 kilometers kada oras.
Sinabi ng PAGASA na wala pang anumang storm signal lalo pa’t posibleng hindi direktang makaapekto sa panahon sa bansa ang bagyong Inday sa forecast period.
Ang bagyong Inday ay inaasahang kikilos sa pangkalahatang direksyon ng hilagang kanluran ng Philippine Sea bago tumulak pa hilaga hilagang kanluran sa araw ng linggo patungo sa vicinity ng Ryukyu Islands at East China Sea.
Posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nang bagyong Inday sa araw ng linggo o lunes.
Ipinabatid ng PAGASA na maaari pang lumakas ang bagyong Inday bilang severe tropical storm sa susunod na 24 oras.