Ikinanando na ng Bureau of Customs ang ilang bodega sa Meycauayan City, Bulacan makaraang makatanggap ng impormasyon na smuggled ang mga iniimbak nilang asukal.
Katuwang ang ilang pulis at sundalo, 9 na bodega ang sinalakay ng Customs Intelligence And Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MCIP) simula noong Miyerkules hanggang kahapon.
Ayon kay CIIS-MICP Chief Alvin Enciso, 6 sa mga warehouse ang nakitaan ng nasa 180,000 sako ng asukal na hindi pa mabatid kung local o imported.
Nakatanggap din anya sila ng tip na ni-re-repackk ang mga imported o smuggled na asukal upang mag-mukhang locally manufactured.
Gayunman, itinanggi ng isa sa mga warehouse manager na sangkot sila sa sugar repacking at may mga hawak silang dokumento na ligal ang mga asukal sa kanilang bodega.