Ang pagbabalik sa in-person classes ang isa sa mga maaaring dahilan nang pagtaas ng kaso ng COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Butch Ong, inasahan na ang pagtaas ng positivity rate dahil sa increased mobility ng mga tao na pumapasok sa mga trabaho at paaralan.
Nitong setyembre 6 nakapagtala ng 12.7% positivity rate sa National Capital Region(NCR), mula 12.1% noong 2.
Gayunman, bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong buwan kumpara noong Agosto.
Hinimok naman ni Ong ang publiko, partikular ang mga mag-aaral at guro na ugaliing sumunod sa health and safety protocols.