Nakararanas pa rin ng oversupplyng bawang ang Batanes.
Ito’y matapos bawasan ng Department of Agriculture (DA) sa Region 2 ang binibiling bawang mula sa mga magsasaka.
Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, kung dati ay malaking bahagi ng bawang ang binibili ng DA para ipamahagi sa mga magsasaka sa bansa bilang binhi, ay nagbago na ito ngayon.
Hindi naman sapat ang naunang binili ng Provincial Government ng 13.5 metric tons dahil mayroon pa ring 20 toneladang natitirang suplay.
Sa ngayon, nagpasaklolo na ang Batanes LGU sa mga maliliit na negosyo sa lalawigan dahil nasa full capacity na ang storage facility ng provincial agricultural office.