Ipa prioritize ng Department of Education (DepEd) ang pagtatayo ng mas maraming gusali at silid aralan.
Tiniyak ito ng DepEd bilang solusyon sa anito’y problema sa overcrowding sa pagbubukas muli ng pasukan.
Ayon kay Education Spokesman Michael Poa, humihingi na sila ng dagdag na budget para makapagpatayo ng mga gusali at paaralan, maayos ang mga silid aralan at makapagbigay ng dagdag na mga gamit sa mga eskuwelahan.