Dalawang katao ang sugatan matapos sumiklab ang isang residential fire sa Holiday Village, Barangay Bayan Luma, Imus, Cavite kaninang alas-7:49 ng umaga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Imus, agad namang naapula ang sunog na umabot sa unang alarma.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, sumiklab ang sunog dulot ng pag-usok at pagputok ng fireworks kung saan sa lawak ng shockwave ay marami ang mga napinsalang ari-arian at sasakyan.
Samantala, kabilang sa mga nasirang sasakyan ay pag-aari ni Governor Rom Bautista na kapatid ni Senator Bong Revilla. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5) at Gilbert Perdez (Patrol 13)