Ipinababalik ng Commission on Audit (COA) sa Department of Education ang natirang pondo na pambili ng laptops na nasa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS DBM).
Papalo sa P24 – M ang natira pang pondo na pambili ng mga laptop para sa mga public school teacher.
Sinabi ni Job Aguirre Jr. ng COA na nasa ilalim ng batas na bawal manatili ang pondo ng PS DBM kaya marapat lamang na ibalik ito sa DepEd.
Samantala, nilinaw naman ni PS DBM Executive Director Atty. Dennis Santiago na nasa saving account ng ahensya ang pera dahil inaalam pa nila sa COA ang dapat gawin.