Opisyal na ipoproklama bukas, araw ng Sabado bilang King Charles III ang successor at eldest son ng yumaong si Queen Elizabeth II.
Ito ang kinumpirma nina Prince William at Kate Duchess of Cornwall and Cambridge.
Base sa tradisyon ng monarkiya na si Prince Charles ang siyang una sa line of succession sa edad na 73.
Nabatid na isasagawa ang proklamasyon kay Prince Charles bilang King ito sa St. James Palace sa London sa harapan ng ceremonial body na kilala bilang accession council na lalagdan naman ng ilang senior personalities kabilang ang prime minister, archbishop of canterbury at ang Lord Chancellor.
Samantala, magkakaroon din ng bagong titulo ang may-bahay ni Charles na si Camilla na magiging queen consort.