Timbog ang dalawang South Koreans na sangkot sa Telephone Fraud o Voice Phishing sa kanilang bansa.
Kinilala ang dalawa na sina Juyeon Lee at Seungyeol Lim.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), miyembro umano ng isang sindikato, sa BF Homes sa Paranaque City noong Huwebes.
Nanloloko ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mga opisyal ng bangko o bilang isang call center seller.
Si Lee ay pinaniniwalaang underboss ng Majun Family na nagpapatakbo ng ilang voice phishing call centers sa Metropolis, na nakapanloko na ng 200 at 15 biktima na may katumbas na $3.7-M sa loob ng 6 na buwan.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration ang dalawang suspek.—sa panulat ni Hannah Oledan