Natuklasan sa isang panayam ni Department of Agriculture (DA) Secretary Domingo Panganiban na may natitira pang P 100-M pondo ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon kay Panganiban, nitong Enero pa inilabas ng Department of Budget ang management ang pondo.
Agad namang ipinag-utos ni Panganiban na gamitin muna ang nasabing extra funds para matugunan ang problema sa asin ng bansa.
Partikular na susuportahan ng sobrang pondo ang malaking factory ng asin sa Lingayen, Pangasinan na nagsara na, maging ang mga manufacturers nito sa Occidental Mindoro at Parañaque.