Lalo pang lumakas ang Bagyong Inday habang bumagal ang pagkilos sa Philippine Sea.
As of 3am kanina, huling namataan ang bagyo sa layong 495 kilometers Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 km/h.
Kumikilos ito pahilagang-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Dahil sa bagyo, patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang western visayas at ilang portion ng southern luzon kabilang ang CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Bataan at Zambales.
Uulanin din ang Metro Manila pero dala ng localized thunderstorm.
Posible pang lumakas pa at maging isang typhoon ang bagyo sa susunod na 12 oras bago tumungo sa Silangan ng Taiwan.
Sa Lunes, inaasahang kikilos pahilagang kanluran sa Philippine Sea ang Bagyong Inday at lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na linggo.