Sinaluduhan at pinasalamatan ni Department of National Defense Officer-in-Charge Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr. Si Dating Philippine Navy Flag Officer- in- Command Vice Admiral Adeluis Bordado sa kanyang mga nagawa sa 15 buwan niyang pamumuno sa Navy.
Ito’y makaraang isalin ni Bordado kay Acting Phil. Navy FOIC Rear Admiral Caesar Bernard Valencia ang kapangyarihan bilang pinuno ng Navy.
Nabatid na kasama sa accomplishments ni Bordado ay ang matagumpay na pag-host ng unang Western Pacific Naval Symposium; pangatlong pakikilahok sa pinakamalaking naval exercise; pag-activate ng Naval Operating Base-Subic, pagbili ng Skyhawk trainer aircraft; pagtanggap ng unang delivery ng surface-to-air missiles para sa Jose Rizal-class frigates, at marami pang iba.
Kasabay nito, hinikayat ni Faustino si Valencia na ipagpatuloy ang pag-transform sa Philippine Navy bilang isang multi-capable force.