Nabalot ng takot ang mga residente matapos madiskubre ang isang bag na naglalaman ng mga sangkap sa paggawa ng bomba sa isang lumang paaralan sa Sitio Pandakan, Barangay Parangbasak, Lamitan City, Basilan.
Pahayag ni Joint Task Force-Basilan commander Brig. Gen. Domingo Gobway, nagsasagawa ng strike operation ang mga tropa laban sa Saddam Siddick Group nang makita ang mga gamit pampasabog.
Mabilis namang rumesponde ang mga elemento ng 39th Explosive Ordinance Disposal kung saan narekober ang mga IED component.