Nangako ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na bubuhayin nila ang free Wi-Fi service sa iba’t ibang lugar sa loob ng susunod na tatlong buwan.
Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Appropriations kaugnay ng DICT proposed budget na 7.2 billion pesos para sa 2023, lumalabas na marami sa mga free Wi-Fi for all- free public internet access program ng kagawaran ang hindi na gumagana.
Bukod sa planong revival ng free public Wi-Fi, nais rin bumuo ni Uy ng “streamlined system” para mas maging madali ang renewal ng mga subscription.